DSWD, naglabas ng higit P12 million para sa mga benepisyaryo ng AICS sa Bukidnon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang P12.859 milyong tulong pinansiyal ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Malaybalay, Bukidnon.

Ang pamamahagi ng tulong ay isinagawa ng DSWD sa dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Bukidnon State University, kung saan abot sa 6,531 ang benepisyaryo.

May tatlong Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) ang pinagkalooban din ng tulong pangkabuhayan, at family food packs sa mga pamilyang nangangailangan.

Ang aktibidad ay pang pito ng serbisyo fair na isinagawa sa buong bansa at pangalawang serbisyo caravan sa Mindanao. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us