Mga bagong halal na BSKE officials sa Valenzuela, nanumpa na sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na barangay at SK officials sa lungsod ng Valenzuela.

Pinangunahan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang mass oathtaking ceremony na isinagawa sa WES Arena.

Kasama rin sa dumalo rito sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, at Sen. Win Gatchalian.

Si Senate President Migz Zubiri naman ang nanguna sa panunumpa ng mga opisyal.

Sa kanyang talumpati, ipinunto ni Mayor Wes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga opisyal sa barangay.

Umaasa aniya ang alkalde na makakatuwang nito ang bawat kapitan at kagawad sa lungsod upang mas mailapit ang mga programa at serbisyo ng LGU sa mga residente.

Ayon naman kay Sen. Migz Zubiri, mahalagang matutukan ang barangay development dahil dito nagsisimula ang paglago ng isang komunidad.

Sa kanilang panig, patuloy naman aniya silang nagsisikap sa senado para maitulak ang karagdagang benepisyo sa mga barangay official at barangay worker. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us