Pagkakaroon ng Philippine passport at IDs ng ilang dayuhan sa bansa, iimbestigahan na ng Office of the Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang nabunyag na isyu patungkol sa pagkakaroon ng mga dayuhan ng Philippine passports, TIN ID, PhilHealth ID at iba pang mga government ID at document.

Sa panayam kay Ombudsman Samuel Martires sa Senado, sinabi nitong magkakasa ang kanilang opisina ng motu propio investigation… ibig sabihin nito ay kusa na silang mag-iimbestiga kahit pa walang nakasampang kaso.

Sa opinyon ni Martires, isa sa mga nakita na niyang paglabag dito ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices act.

Matatandaang una nang naungkat ang isyu tungkol sa pagkakaron ng Philippine documents ng ilang mga dayuhan na nasa ating bansa sa naging budget deliberations ng panukalang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Napagtibay ito ng makakumpiska sa isang POGO hub sa Pasay ng mga Philippine government ID ng mga Chinese POGO employee.

Samantala, nagkaroon naman ng executive session ang mga senador kasama ang Department of Justice at Bureau of Immigration ngayong araw kaugnay ng isyung ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us