Inaalam na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nangyaring malawakang ‘fish kill’ sa Cañacao Bay sa Cavite City.
Ayon sa BFAR, ang mga patay na isda na ito ay tinatawag na “tilapiang gloria”, na umano’y isang mas murang variant ng karaniwang tilapia na hindi kailangan pang palakihin sa mga fish cage.
Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda.
Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazer Briguera, nakakolekta na ang kanilang team ng mga sample ng isda at tubig para mas masuri ng maayos.
Paliwanag pa nito na ang fish kill ay kadalasang sanhi ng pagbaba ng lebel ng dissolved oxygen sa tubig. | ulat ni Rey Ferrer
📷: Florimay Tayum