Nakipag-uganayan na rin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang driver ng sasakyan na nahuling dumaan sa EDSA Busway at nagpangalan kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ito ang kinumpirma mismo ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes, kung saan sinabi nito na nakatakdang lumutang ngayong araw ang naturang driver para magpaliwanag ng kaniyang panig.
Gayunman, sinabi ni Artes na hindi ito open for coverage sa media subalit tiniyak niyang hindi magiging “sacrificial lamb” ang naturang driver.
Aniya, handang akuin ng driver ang kaniyang naging pagkakamali para patunayan na hindi si Sen. Revilla ang sakay nito nang dumaan siya sa EDSA busway.
Dahil dito, mahaharap pa rin sa kaukulang parusa at multa ang driver sa kabila ng kaniyang pag-amin sa kasalanan. | ulat ni Jaymark Dagala