Chief of Police ng Rodriguez PNP sa Rizal, tinanggal sa puwesto dahil sa usapin ng command responsibility

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Rizal Provincial Police Office Director, P/Col. Felipe Maraggun ang pag-alis sa puwesto sa Chief of Police ng Rodriguez Municipal Police Station na si P/LtC. Arnulfo Selencio.

Ito’y makaraang maaresto ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG ang 3 tauhan ni Selencio dahil sa pangingikil.

Ayon ay Maraggun, pansamantalang papalit kay Selencio si P/LtC. Vic Palma bilang Officer-In-Charge ng naturang himpilan ng Pulisya.

Giit pa nito, hindi niya kinukonsinte ang nangyari dahil mahigpit nilang pinanghahawakan ang integridad ng kanilang organisasyon.

Magugunitang hinuli ng IMEG nitong Myerkules ang 3 matapos magreklamo ang isang biktima na pinasok ang bahay nito dahil mayroon umano silang arrest warrant laban sa kanyang kinakasama bunsod ng umanoy paglabag sa bouncing check law.

Sa ulat ng IMEG, nasampahan na ng kaso sina P/SMSgt. Jose Reyes, P/SSgt. Ramel Delorino t P/SSgt. Glenn Libres.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, tinitingnan na kung may kinasasangkutang kaparehong kaso ang 3 naarestong Pulis. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us