Sinuspinde muna ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang lahat ng mga ongoing water search and rescue training.
Ito’y kasunod ng insidente ng pagkamatay ng isa nilang personnel sa kasagsagan ng kanilang pagsasanay sa Coast Guard District Palawan.
Sabi ni Gavan, magsasagawa muna ng review ang PCG sa safety procedure ng Coast Guard Special Operations Force and cognizant units.
Noong Miyerkules, isang 27-anyos na personnel na may ranggong “Apprentice Seaman” ang nawalan ng malay sa kasagsagan ng kanilang pagsasanay sa paglangoy na may layo na 100 meters.
Sinubukan pa itong i-revive ng kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng CPR at dinala sa malapit na pagamutan.
Ngunit makalipas ang ilang oras ay idineklara ng mga doktor na ito’y nasawi na.
Ayon kay Admiral Gavan, dapat ang isang Coast Guard personnel ay may sapat na kaalaman sa pagsagip ng buhay tulad ng tamang paglangoy.
Tiniyak niya, isasailalim nila sa matinding review ang mga safety protocol sa water search and rescue training ng kanilang mga kawani upang maiwasan na maulit pa ang insidente. | ulat ni Michael Rogas