Binati ni Department of National Defense (DND) Sr. Undersecretary Irineo Espino ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtatapos ngayong umaga ng kanilang taunang AFP Joint Exercise Dagat, Langit at Lupa (AJEX DAGIT PA).
Sa kanyang mensahe sa closing Ceremony sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Espino na sigurado siyang maraming natutunan at nasubok na kakayahan ang mga sundalo na magiging basehan ng mas matatag at malakas na Hukbong Sandatahan.
Hinimok ni Usec. Espino ang mga tauhan ng AFP na patuloy na isulong ang paglikha ng matatag na organisasyon sa pagkamit ng “credible defense posture” ng bansa.
Ang AJEX DAGITPA ay nagbukas noong Nobyembre 6 na nilahukan ng Philippine Army, Philippine Airforce, Philippine Navy, at Philippine Marines.
Layunin ng taunang pagsasanay na mapahusay ang interoperability ng iba’t ibang sangay ng AFP sa pagsasagawa ng mga Joint operation. | ulat ni Leo Sarne
📷 by PFC Carmelotes/PAOAFP