Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasamsam ng mga pulis ang P8.16-M halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Buhang, Jaro Iloilo City ngayong hapon.

Arestado sa operasyon sina Estrelita Bueno, alyas Madam Ester, 68 taong gulang at residente ng Abbey Road, Bagbag Sauyo, Novaliches, Quezon City at siyang regional priority target ng mga pulis; gayundin si Noe Llagas, 27 taong gulang at residente ng Brgy. Ungka, Jaro, Iloilo City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 1.2 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P8,160,000, buy-bust money at iba pang drug items.

Ayon kay P/Major Rommel Anicete, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, may natanggap silang impormasyon patungkol sa drug supply na dala ni Bueno mula Luzon.

Sa monitoring ng RPDEU-6, dealer ng droga si Bueno.

Sakay ng RORO vessel ang subject at nasundan siya ng mga operatiba sa Caticlan Jetty Port sa Aklan hanggang sa makarating sa Iloilo City.

Nagsilbi namang receiver ng droga sa siyudad ng Iloilo si Llagas.

Ang buybust operation ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6, City Drug Enforcement Unit, PNP Intelligence Group at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Aklan Police Provincial Office.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us