12 indibidwal, inaresto dahil sa iligal na pagbili ng SIM Cards na may verified GCash account

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 individual kabilang ang isang Malaysian national dahil sa iligal na pagbili ng SIM Cards na may verified GCash Account .

Kinilala ang mga inaresto na si Lau wen Xiang, isang Malaysian National at mga pinoy na sina Aldwib Villena Cañon, R.J Vincent Abdulhamid, Alkhaizar Sahali Jambiran, Rayan Panayam Apostol, Aira May Sahali Jambiran, Sherwin Dave Cahanap Cruz, Kier John Salazar Parong, Jasper Philander Viscayno, Datu Jonathan Tasil Mama, Jonalu Tayomora Salazar, at Almoner Ladjahali Ladja.

Isa-isa silang inaresto sa ikinasang entrapment operation sa Manila, Quezon City, at Parañaque City.

Sa ulat ng NBI, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga suspect mula sa Facebook group na naghahanap ng GCash account holders na may verified account status at may Php500,000.00 limit na nais na parentahan ang kanilang accounts.

Ang mga GCash account umano ay hindi na gagamitin ng mga may hawak ng account ngunit ibibigay sa mga nasabing indibidwal bilang casino loader.

Inaalok ang mga sim card owner ng Php2,000.00 na kabayaran at Php2,000.00 para sa susunod na buwan bilang rental fee.

Kasong paglabag sa R.A. 8484 o Access Devices Act of 1998, R.A. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at R.A. 11934 o SIM Card Registration Act of 2020 ang isasampa laban sa kanila ng NBI.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us