8 Pinoy na nagpanggap na turista, naharang ng BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napigil ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang iligal na pag-alis ng walong indibidwal papuntang Malaysia sa Zamboanga International Seaport makaraang magpanggap ang mga ito bilang mga turista.

Sa ulat, nagtangkang sumakay ang mga pasahero sa MV Antonia patungo sa Sandakan, Sabah. Dito magkakaibang dahilan ang sinabi ng mga ito sa kanilang pagbiyahe tulad ng pagbili ng welding equipment o bibisita sa kaanak o kaibigan.

Pero kalaunan ay umamin din ang mga ito na magtatatrabaho sa Kuala Lumpur sa isang shipyard at engineering firm.

Binigyang diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang patuloy na banta ng human trafficking sa mga pantalan at ang maigting na hakbang ng pamahalaan laban dito.

Hinimok ni Tansingco ang mga nag-aasam na manggagawang Pilipino sa ibang bansa na tiyakin ang mga job offers sa pamamagitan ng awtorisadong agencies, pagkuha ng mga kinauukulang clearance at employment certificates mula sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ang walong pasahero ay nasa kustodiya at kasalukuyang iniimbestigahan na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us