Sitwasyon sa Metro Manila, mapayapa sa unang araw ng transport strike ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa Metro Manila, sa unang araw ng 3-araw na transport strike.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, walang naitatalang ‘untoward incident’ ang kapulisan hanggang ngayong hapon.

Base aniya sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa PNP headquarters, nasa humigit kumulang 520 mga tsuper ang nakikiisa sa tigil-pasada sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Fajardo na hindi nagtagumpay ang mga lumahok sa tigil-pasada na paralisahin ang transportasyon ngayong araw, dahil marami namang nag-aalok ng libreng sakay at marami ding paaralan ang hindi nagsagawa ng face-to-face classes.

Ani Fajardo, mayroon silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga maaabalang motorista at mananakay.

Ang naturang tigil-pasada ng grupong PISTON at MANIBELA ay para tutulan ang itinakdang deadline para sa franchise consolidation application ng mga Public Utility Vehicle sa Disyembre 31. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us