Inatasan na ni Public Works and Highways Sec. Manny Bonoan ang kanyang mga tauhan na agad alamin ang pinsalang dulot ng 6.8 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Bonoan, may sapat silang pondo para sa kumpunihin ang mga napinsalang establisyimento kung saan manggagaling aniya ito sa Quick Response Funds ng 2023 budget.
Wala naman aniyang masyadong damages sa mga tulay sa lugar at daanan bagamat patuloy ang kanilang pagsusuri sa mga establisyimento partikular sa mga eskwelahan.
Kinumpirma din ni Bonoan na mayroon na silang mga natatanggap na reports mula sa deped hinggil sa mga eskwelahan na dapat tutukan kaya naman agad na aniya inatasan ang kanyang mga tauhan sa mga apektadong lugar para makipag-coordinate sa DepEd.
Layon nito ayon sa kalihim na agad masuri ang sira nang makapaglabas ng pondo ang kanilang ahensya para makumpuni ang mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco