Menor DE edad na nawalan ng tatay noong Marawi Siege, ilalaan sa edukasyon ang natanggap na tulong pinansyal mula sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinanggap ni Romniel D. Baroy, labing anim na taong gulang na anak ni Edgar S. Baroy na namayapa dulot ng Marawi Siege 2017, ang P350,000 mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Marawi Compensation Board (MCB) ngayong November 20, 2023 sa Lungsod ng Marawi.

Ayon sa kanyang tiyuhin at guardian na si Ricky Baroy, itatabi nila ang ilang bahagi ng nasabing halaga para sa kanyang pag-aaral at gagamitin rin upang makapagsimula ng kaunting negosyo para sa pang araw-araw na pangangailangan ni Romniel at ng kanyang dalawa pang kapatid.

Sa kasalukuyan ay nakatira sa Tubod, Iligan si Romniel sa ilalim ng pangangalaga ng kanyang tito na noon ay kasama ng kanyang tatay na nagtatrabaho sa Marawi.

Ayon kay MCB Chairperson Atty. Maisara D. Latiph, sa kasalukuyan ay mayroong 118 death claims na naisumite sa kanilang tanggapan. Nauna na ang dalawampu’t dalawang pamilya ngayong araw matapos dumaan sa mabusising proseso at makumpleto ang kanilang mga dokumento.| ulat ni Johaniah Yusoph| RP1 Marawi

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us