Namahagi na ng food at non-food items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Masbate at Camarines Sur.
Ang pagbaha sa nasabing lugar ay dulot ng walang patid na pag-ulan bunsod ng low pressure area at shearline.
Kabilang sa ipinamahaging ayuda ng DSWD ang 104 family food packs, 100 piraso ng malong at 100 kumot bilang tulong sa mga apektadong pamilya.
Pansamantala silang nanunuluyan sa mga evacuation center sa barangay Magsaysay at Buenavista sa Uson, Masbate.
Aabot naman sa 1,667 food boxes ang ibinigay ng DSWD sa affected families sa mga barangay na sakop ng Sula at Sabang sa Vinsons, Camarines Sur.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumalo na sa halos 15,000 pamilya o katumbas ng ng halos 60,000 indibidwal ang apektado ng pagbaha sa Eastern Visayas. | ulat ni Rey Ferrer