‘Top and go signal’ ipapatupad sa ilang kalsada sa Pasay City para sa 31st annual meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista!

Magpapatupad ng ‘stop and go’ scheme ang sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod ng pasay na magsisimula ngayong Huwebes, Nobyembre 23 hanggang sSabado, Nobyembre 26.

Ito’y para bigyang daan ang 31st annual meeting ng Asia-Pacific Parliamentary Forum kung saan host ang Pilipinas.

Ipatutupad ang stop-and-go scheme sa mga sumusunod na kalsada: Roxas Boulevard; Diokno Boulevard; Macapagal Boulevard; at Atang dela Rama.

Ayon sa MMDA, sila ay magtatalaga ng 361 tauhan upang magmando ng trapiko at gabayan ang mga motorista.

Ang 31st Asia Pacific Parliamentary Forum ay gagawin sa PICC na dadaluhan ng mahigit 200 delegado mula sa iba’t ibang bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us