Party-list solon, umaaasa na mapopondohan ng MIF ang pagbuhay sa Bicol Express Rail Line

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan na maisasama ang panukalang pagbuhay sa Bicol Express Rail Line sa 80 high-impact infrastructure projects ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na popondohan ng Maharalika Investment Fund.

Ayon kay Yamsuan, ang Bicol Express o South Long Haul Project ay sakto sa criteria ng pangulo para sa MIF financing kung saan kabilang ang tourism infrastructure sa prayoridad ng sovereign wealth fund.

Maaalalang inilatag ni Maharlika Investment Corporation President at Chief Executive Officer Rafael Jose Consing Jr. ang investment thrust ng MIF.

Naniniwala ang mambabatas na ang pagbuhay ng Bicol Express Rail Line ay lilikha ng libu-libong bagong trabaho at oportunidad sa Bicol. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us