Higit 1,500 na pamilya sa Bulacan, nakinabang sa caravan ng NHA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa patuloy na pag-arangkada ng People’s Caravan ng National Housing Authority (NHA), aabot sa 1,500 pamilya sa Pandi, Bulacan ang nabigyan ng iba’t ibang serbisyo ng ahensya.

Pinangunahan ni NHA Region III Manager Minerva Calantuan, kasama si Bulacan Vice Governor Alexis Castro, ang caravan na isinagawa sa Pandi Village 2 Multi-Purpose Covered Court, Pandi, Bulacan.

Layon nitong magbigay ng serbisyo sa mga benepisyaryo mula sa 11 proyektong pabahay ng NHA sa Pandi at masuportahan ang mga benipisyaryo ng pabahay sa kanilang pangkabuhayan at upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat pamayanan.

Ilan lang sa mga serbisyong inihatid dito ang libreng gamot, bitamina, serbisyong medical, dental, libreng eye check-up at reading glasses.

Mayroon ding isinagawang job fair at libreng skills training demonstration at scholarship program habang nagalok din ng murang bilihan ang Kadiwa store.

Bilang bahagi ng programa, 15 sa mga benepisyaryo ng pabahay ang pinagkalooban ng NHA ng titulo sa kani-kanilang bahay at lupa, tanda na natapos na nila ang obligasyon sa amortisasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us