Sen. Go, iginiit na dapat pang paigtingin ang mga programa kontra kahirapan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawaran ng amnestiya ang mga dating rebelde.

Matatandaang sa ilalim ng Executive Order no. 47 na ibinaba ng Malacañang ay nilikha ang National Amnesty Commission at nakasaad dito na saklaw ng amnestiya ang mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF na nahatulan ng rebelyon, conspiracy, disloyalty of public officers or employees; inciting to rebellion; sedition; conspiracy to commit sedition; at inciting to sedition.

Pinunto ng senador na ang pangunahing dahilan ng nagrerebelde laban sa pamahalaan ay ang kahirapan at kawalan ng serbisyo mula sa gobyerno.

Kaya naman, binigyang-diin ni Go na para maipagpatuloy ang pangmatagalang kapayapaan ay dapat pang mas pag-igihin ang mga programa sa pabahay, edukasyon, kalusugan, pagsasaka at kabuhayan.

Dapat rin aniyang ilapit pa ang mga serbisyo ng pamahalaan kahit sa pinakaliblib na mga komunidad sa bansa para mas lalong maengganyo ang mga kababayan nating nagrerebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan at mamuhay ng payapa.

Para maisakatuparan ito, kabilang sa mga isinusulong ni Go ang pagpapatayo ng mga Super Health Center sa buong bansa at ang pagpapatuloy ng Balik-loob Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us