Party-list solon, patuloy na ilalaban ang tamang implimentasyon ng ‘No Balance Billing’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Titiyakin ni Agri Party-list Representative Wilbert Lee na tamang naipatutupad ang “No Balance Billing” sa mga ospital.

Sa pagdalo nito sa idinaos na Alabel State of the Children Report at Children’s Congress kamakailan, sinabi ni Lee na ang pagsusulong niya ng “No Balance Billing” ay para sa benepisyo ng mga pamilyang Pilipino upang hindi na sila maglabas pa ng pera para sa kanilang medical care.

Aniya, bilang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan, marapat lang na bigyan sila ng access sa tamang pag-aalagang pang-kalusugan.

“Alam natin na ang pangamba ng bawat pamilya ay ang magkasakit ang kanilang mga anak kasi takot sila na baka hindi nila kakayanin ang gastos para sa doktor at ospital,” ani Lee.

Punto ng manbabatas, bagamat mayroon nang nakalatag na polisiya ang gobyerno para sa “No Balance Billing,” hindi talaga ito natututukan at naipatutupad nang maayos.

Diin pa nito na hindi dapat balakid ang kahirapan upang makatanggap ng maayos na medical treatment ang mga Pilipino.

Ang “No Balance Billing” Policy o “NBB” ay isang polisiya kung saan ang isang kwalipikadong kasapi ng PhilHealth (Indigent, Sponsored, Kasambahay, Lifetime & Senior citizens) na na-confine sa ward o service bed sa isang government hospital ay hindi na sisingilin ng karagdagang bayad para sa mga serbisyong naibigay.

Sa ilalim nito wala na dapat babayaran pa ang isang kasapi para sa kuwarto, gamot, supplies, laboratory, X-ray, at bayad sa serbisyo ng mga doktor. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us