Homo Luzonensis na nahukay sa Cagayan, nagkakaedad na ngayon ng 134,000 years old

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Dorothy  Reyes ng Office of the Special Assistant to the President, aabot sa ddalawang libo ang nabigyan ng regalo on-site at off-site sa rehiyon onse.

Batay sa pagsasaliksik na ginawa nina Dr. Rainer Grun ng National University of Australia at Dr. Cris Stringer ng Centre for Human Evolution Research of Natural History sa London lumalabas na nasa 134,000 years ang edad Homo Luzonensis, taliwas sa unang inilabas na edad nito na 67,000 years old.

Ang fossils na ito ay buto at ngipin ng tao na nahukay ng mga grupo ng mga Archeologist sa Callao Cave sa bayan ng Penablanca, Cagayan.

Sinasabing ang Homo Luzonensis ay pinakabagong species ng tao sa South East Asia na isang makasaysayang tuklas sa bansa at ng isang Pinoy sa katauhan ni Dr. Armand Mijares na siyang nanguna sa exploration at excavation sa Callao Cave.

Matatandaan 2007 ng mahukay ang buto at ngipin ng Homo luzonensis, at nito lamang 2019 nang lumabas ang resulta na isa itong pinakamatanda at bagong uri ng tao na nabuhay sa mundo, na nag-eedad nga ng 134,000 years na siyang resulta ng Uranium- based dating nito. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us