Kabuuang 41,927 indigent senior citizens mula sa lalawigan ng Antique ang nakatanggap na ng kanilang taunang social pension para ngayong taon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, malaki ang maitutulong ng social pension sa mga matatanda para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at iba pang pangangailangang medikal.
Bawat mahihirap na senior citizen ay may karapatang tumanggap ng P500 kada buwan o P6,000 sa buong taon.
Ibinibigay ang social pension sa sinumang matatanda na may edad 60 taong gulang pataas na walang permanenteng pinagkakakitaan.
Dagdag pa ni Asec. Lopez na may 29 centenarians o mga nakaabot na sa 100 taong gulang ang edad pataas mula din sa Antique ang pinagkalooban ng tig-P100,000 mula sa DSWD. | ulat ni Rey Ferrer