Pondo para sa wage increase ng gov’t employees, hiniling na taasan sa ilalim ng 2024 national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan sa mga Senador ang ibat ibang grupo ng government employees na maglaan ng sapat na badyet sa 2024 para sa pagtaas ng suweldo at iba pang mga pangangailangan.

Ito ang ipinahayag ng All Philippines Public Service Union sa harap ng gagawin na period of amendments ng Senado bukas, para sa panukalang P5.7 trillion na 2024 national budget ng administrasyon.

Bago naman ito tuluyang isalang sa bicameral conference committee sa linggo ding ito.

Mula sa panukalang P94 billion na Miscellaneous Personnel Benefit Fund o MPBF sa National Expenditure Program para sa 2024, nasa P24 billion lang ang inaprubahan sa Kamara bilang standby fund para sa pagtaas ng sahod, benepisyo at mga posisyon sa staffing.

Dagdag pa ng mga manggagawa, na nahaharap ang bansa sa mas mahirap na panahon sa susunod na taon dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation lalo’t matagal nang walang wage increase sa kanilang hanay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us