Vice President Sara Duterte, dumalo sa 16th Belenismo sa Tarlac City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalo si Vice President Sara Duterte sa 16th Belenismo sa Tarlac City bilang panauhing pandangal sa naturang aktibidad.

Ang Belenismo ay isang sining ng paglikha ng magagandang Belen.

Tinatayang 53 mga kalahok ang mga sumali sa patimpalak na ito mula sa iba’t ibang sektor at grupo gaya ng lokal na pamahalaan, simbahan, komunidad, at mga establisyimento.

Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo, pinuri nito ang mga Tarlaceno sa walang sawang pagtataguyod ng isang mahalagang tradisyon ang paggawa ng Belen.

Nagpaabot din si VP Sara ng pagbati sa mga Tarlaceno at hiling nito ang magkaroon ng kapayapaan, pagmamahal, at kaligayahan ngayong Pasko at masaganang bagong taon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us