Sen. Imee Marcos, nanawagan ng pangmatagalang istratehiya para sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga tripulanteng Pinoy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na magkaroon ng long term strategy para i-negotiate ang kalayaan ng mga binihag na Pinoy seafarers.

Ito ay sa gitna aniya ng lumala at lumalawak na Israeli-Palestinian conflict sa labas ng Gaza Strip.

Binigyang diin ni Sen. Marcos na mas tumataas ang banta sa buhay ng mga tripulanteng Pinoy kasunod ng babala ng pro-Palestinian Houthi rebels na targetin ang iba pang sasakyang pandagat na may koneksyon sa Israel.

Binigyang diin ng senadora na 25% ng mga empleyado sa global maritime industry ay mga Pinoy seafarer.

Nanawagan rin ang Senate Committee on Foreign Relations chairperson sa DFA na ingatang maigi ang diplomatic positions nito, lalo na bilang miyembro ng United National General Assembly (UNGA).

Sinabi ni Senadora Imee na ang abstention ng pilipinas sa isang UNGA resolution na nananawagan para sa humanitarian pause sa pag atake ng Israel sa Gaza ay hindi maaaring hindi napansin ng Arab nations at maaaring makaapekto sa hinaharap na negosasyon para sa pagpapalaya ng mga Pinoy seafarer na na-hostage. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us