Bilang ng mga nahuhuling lumabag sa EDSA busway sa ilalim ng bagong MMDA strike force, pumalo sa 41

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang ginagawang operasyon ng bagong strike force ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA laban sa mga pasaway na motoristang dumaraan sa EDSA busway.

Batay sa 9am update ng MMDA ngayong umaga, pumalo na sa 41 ang bilang ng mga pasaway na motoristang kanilang nahuhuli.

Mula sa naturang bilang, 23 rito ay pawang mga naka-motorsiklo, 17 ang 4-wheeled vehicles habang isa ang Public Utility Bus na pilit namang lumabas sa busway.

Pinatawan ng P5,000 multa ang mga nahuling pasaway na motorista para sa kanilang unang paglabag.

Una nang iniulat ng MMDA na malaki na ang nabawas sa mga motoristang nagpupumilit pa ring dumaan sa EDSA busway buhat nang simulan nila ang paghihigpit sa mga hindi awtorisadong dumaraan dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us