Dept. of Tourism, nagsagawa ng livelihood training sa tourism workers sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng livelihood training ang Department of Tourism (DOT) sa mga tourism worker sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill sa Lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Toursim Secretary Christina Frasco, layon ng naturang programa na mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga tourism worker sa Puerto Galera na naapektuhan ng naturang oil spill.

Kaugnay nito, nauna nang inanunsiyo ng Puerto Galera LGU na negatibo sa oil spill ang kanilang bayan kaya wala dapat ikabahala ang mga turistang nais pumunta sa dito.

Samantala, muli namang nanawagan si Secretary Frasco sa mga foriegn at local tourist, na ligtas at negatibo ang Puerto Galera sa oil spill at maaari pa rin tumungo ang mga ito sa isa sa ipinagmamalaking tourist attraction sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us