Hindi irerekomenda ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año ang pagpapatupad ng Suspension of Military Operations (SOMO) o ceasefire laban sa mga teroristang komunista ngayong pasko.
Ito’y sa gitna ng pag-anunsyo kahapon na nagkasundo ang pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magkaroon ng Peace negotiations.
Paliwanag ni Sec. Año, malayo pa ang pamahalaan at NDF sa pagkakaroon ng pinal na kasunduang pangkapayapaan.
Wala naman aniyang problema sa security sector na makipag-usap sa NDF, pero hindi sila papayag sa anumang bagay na magpapalakas ng sa posisyon NDF at magsusuko sa mga tagumpay na nakamit ng pamahalaan.
Giit ni Año, hangga’t wala pang naisapinal, tuloy tuloy lang ang operasyon ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang layuning wakasan ang insurhensya. | ulat ni Leo Sarne