Pagpapatupad ng CARP sa BARMM, inaasahang makapagbigay ng malaking tulong sa rehiyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan nang makapagbigay ng komprehensibong tulong at suporta sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan.

Ito’y matapos lagdaan ang isang Memorandum of Understanding (MOU) kahapon nina DAR Secretary Conrado Estrella III at BARMM Interim Chief Minister Ahod Ebrahim, DAR, Undersecretary – Office for Mindanao Affairs Amilhilda Sangcopan, MAFAR Minister Mohammad Yacob at iba pang opisyal.

Maipapatupad ang programa sa loob ng Bangsamoro regions sa pamamagitan ng epektibong koordinasyon at pagtutulungan.

Ginagarantiyahan din nito ang kapayapaan at ang proteksyon ng mga karapatan at empowerment ng Bangsamoro people.

Nahikayat ng DA ang BARRM na isailalim sa repormang agraryo na maituturing na isang makasaysayan.

Naisakatuparan ang magandang adhikaing ito dahil sa inisyatiba na rin ni DAR Usec. Sangcopan.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us