Inirekomenda ng Asian Development Bank (ADB) sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan pa ng oras ang mga bidders para sa P170.8 billion na rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa ADB ito ay upang mabigyan pa ng oras ang mga bidders na ihanda ang kanilang offer na magreresulta ng mas maganda resulta sa proyekto.
Ang ADB ang siyang trasanction advisor ng DOTr para sa NAIA rehabilitation projects.
Sa inilabas na internal memo ng financial institution, ang pagpapalawig ng deadline para sa bid submission hanggang January 29 mula sa orihinal na December 27 ay magbibigay daan sa mga interested party na plantsahin mabuti ang kanilang proposal.
Ayon pa sa ADB, ang pag-extend ng deadline at magreresulta rin ng kompetisyon at mas magandang outcome.
Sa ngayon, nagapaalala na ang DOTr sa mga bidders na isumite ang kanilang bids sa nakatakdang deadline ngayong Disyembre dahil anila, kailangan nang mai-award ang proyekto sa unang quarter ng 2024 base sa kanilang itinakdang timeline.| ulat ni Melany V. Reyes