Desisyon ng Pangulo sa magiging susunod na PNP Chief, inaabangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaabangan ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang magiging susunod na pinuno sa nakatakdang pagretiro sa serbisyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa December 3.

Sa ngayon wala pang impormasyon kung ma-eextend ang termino ni Gen. Acorda o kung may napipisil ang Pangulo na humalili sa kanya.

Base sa Chain of Command, lumulutang bilang mga kandidato para sa pinakamataas na pwesto ng PNP ay sina: PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng PNP; si PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria, na pangatlong pinakamataas; at PNP Deputy Chief of the Directorial Staff Police Lieutenant General Emmanuel Peralta, na pang-apat.

Matunog din ang mga pangalan nina: PNP Special Action Force (SAF) Director Police Major General Bernard Banac, PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat Jr., PNP Directorate for Comptrollership Director Police Major General Rommel Francisco Marbil, at National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us