Higit P800K halaga ng marijuana, nakumpiska ng BoC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiskado ng mga awtoridad mula sa Bureau of Customs (BoC) ang aabot sa P805,2000 na halaga ng high-grade marijuana o kush matapos ang inspeksyon sa sinasabing paket ng “replacement filter.”

Ayon sa ulat ng BOC-Port of Clark, ang nasabing droga ay natagpuan sa loob ng isang pakete mula sa California, USA. Pero matapos ang x-ray scanning at K9 sniffing, lumabas na posibleng bawal na gamot ang nasa loob ng package.

Agad na isinagawa ng mga awtoridad ang physical examination, at natagpuan ang tuyong dahon at bunga ng halamang sinasabing na kush. Ang mga sample ay ipinasa sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, at kinumpirmang marijuana nga ang laman nito na ipinagbabawal sa ilalim ng R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni District Collector Dino Austria ang mga kawani ng BOc sa kanilang pagtupad sa tungkulin ng ahensya sa paglaban sa pagkalat ng iligal na droga, lalo na ngayong holiday season.

Siniguro ni Commissioner Bienvenido Rubio, sa ilalim ng pangunguna ni President Ferdinand R. Marcos Jr., na mananatili ang BOC sa matibay nitong kampanya laban sa ilegal na operasyon ng drug smuggling at maprotektahan ang mga borders ng bansa laban sa panganib ng iligal na drogra.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us