Nagmungkahi si Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda sa law enforcement agencies na tutukan ang paghuli sa mga bigtime drug manufacturer sa bansa.
Sa Media Forum, sinabi ni Justice Miranda na makakaambag raw ito sa paresolba sa jail congestion sa mga pasilidad ng Bureau of Jail and Penology.
Inihayag ito ng Associate Justice ilang araw bago isasagawa ng National Jail Decongestion Summit.
Aniya, dapat alisin na ang target at quota sa pag-aresto na ginagawang batayan sa promotion ng isang opisyal upang mapagtuunan ng pansin ang paghuli sa mga big time drug personality.
Pero, nilinaw niya na hindi ibig sabihin ay hindi na huhulihin ang mga small time personality dahil mga nagkasala pa rin sila sa batas.
Layon lamang nito na putulin ang pinakaugat ng problema sa iligal na droga sa bansa.
Batay sa datos ng Sandiganbayan, 70% ng 122 libo Persons Deprived of Liberty na nakakulong sa buong bansa ay drug related cases at 107 lamang ang mga nahuling drug manufacturer.| ulat ni Rey Ferrer