DSWD, patuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng shear line

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang paghatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng shearline.

Ngayong araw, may pitong truck na puno ng 5,900 family food packs ang ipinadala ng DSWD Field Office CALABARZON sa Quezon Province para ipamahagi sa mga residente lalo na sa coastal areas.

Sa kabuuan, umabot na sa 19,600 na food packs ang naipadala na sa lalawigan.

Inaasahang makumpleto ang delivery ng 40,000 FFPs sa susunod na linggo.

Samantala, may 503 family food packs naman ang inihatid ng DSWD sa mga residente ng Barangay Binahian, Sipocot sa Camarines Sur sa Bicol Region kahapon.

Kabilang din ang mga residente sa Region 5 sa apektado ng shearline. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us