Bilang bahagi ng ika-90 anobersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE), isang pambansang job fair ang ikinasa nito ngayong buwan ng Disyembre.
Ayon sa DOLE, asahan ang higit sa 54,00 na trabaho sa loob at labas ng bansa mula sa iba’t ibang participating employers ang bukas sa 23 job fair sites na gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga industriyang hiring ay mula sa business process outsourcing, manufacturing, retail and sales, construction, at hospitality. Habang top vacancies naman ay mga customer service representatives, production workers/operators, cashiers, baggers, laborers, carpenters, painters, casino dealers, at service crew.
Tatakbo ang nasabing nationwide job fair depende sa lokasyon. Kaya naman para sa buong listahan ng lugar at petsa para sa mga job fair sites maaring bumisita sa official facebook page ng DOLE o sa kanilang website.
Pinapayuhan naman ng kagawaran ang mga job seekers na maghanda ng kanilang mga application requirement tulad ng resume o curriculum vitae, certificate of employment para dati ng employed, diploma, transcript of records, training certificates at iba pa.
Nagsimula ang DOLE bilang isang maliit na kawanihan noong 1908 sa ilalim ng dating Department of Commerce and Police. Nabuo lamang bilang kagawaran sa pagpasa ng batas sa ilalim ng Republic Act 4121 noong Disyembre 8, 1933. | ulat ni EJ Lazaro