Balik na sa normal ang power transmission services sa Caraga Region matapos ang 6.9 magnitude na lindol na naganap sa Hinatuan, Surigao del Sur kagabi
Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), anim (6) sa kanilang 69kV transmission lines ang naapektuhan ng lindol.
Ito ang nagsusulplay ng kuryente sa bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, at Davao Oriental.
Ayon sa NGCP, naibalik naman kaagad ang suplay ng kuryente dakong alas 11:46 kagabi.
Nananatili anilang intact ang Mindanao grid at walang ulat ng trippings ng transmission line backbone sa mga nabanggit na lalawigan.
Batay sa ulat ng Phivolcs, ang mga nasabing lalawigan ang matinding nakaranas ng malakas na pagyanig kagabi. | ulat ni Rey Ferrer