DOTr puspusan ang pagkilos sa mga proyekto nito sa kabila ng holiday rush

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang pagkilos ng Department of Transportation (DOTr) sa gitna ng holiday rush upang ipagpatuloy ang mahahalagang proyektong magbubukas daan sa mas magandang kinabukasan ng transportasyon sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Usec. Timothy John Batan, sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pangako na tapusin ang mga proyektong magpapabuti sa karanasan ng paglalakbay sa bansa.

Ipinakita ni Usec. Batan ang pag-apruba ng National Economic Development Authority (NEDA) sa 197 infrastructure flagship projects, na nagkakahalaga ng P8-trilyon, kung saan 73 dito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng DOTr.

Layunin ng mga proyektong ito na gawing mas accessible, ligtas, at abot-kaya ang transportasyon. Ilan sa mga ito ay ang 24 na airport projects at 25 na maritime projects, kabilang na ang New Cebu International Container Port.

Kasama rin dito ang railways sector na may higit sa 50 big-ticket projects, kabilang ang mga bahagi ng North-South Commuter Railways System at ang Metro Manila Subway Project.

Paniniguro naman ng DOTr na hindi makakaapekto ang kapaskuhan sa kanilang mga proyekto, sa pakikipagtulungan na rin sa MMDA upang balansehin ang pangangailangan ng mga road users at pagpapatuloy ng mga proyekto. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us