Mariing kinondena ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pambobomba sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University kung saan nagdaraos ng pagdarasal ang mga estudyante.
Aniya ang karahasan sa mga estudyanteng payapang nagdaraos ng misa at inihahayag ang kanilang pananampalataya ay isang terorismo at wala aniya itong puwang sa isang sibilisadong lipunan.
Hindi rin aniya battle ground ang mga eskuwelahan.
Kaya hiling nito sa mga awtoridad na imbestigahan ang insidente at siguruhing mapanagot ang mga may sala.
“I call on the authorities to investigate this fully, leaving no stone unturned. The perpetrators should be unmasked. Babantayan natin ang developments ng kasong ito para masiguro na magkaroon ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya.” ani Hataman.
Kasabay nito ay nagpaabot din sya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasugatan at nasawi. | ulat ni Kathleen Jean Forbes