Pambobomba sa Mindanao State University, tinututukan na ng CHED

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikiisa rin ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagkondena sa nangyaring pambobomba sa loob ng Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi nitong linggo ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairperson Popoy de Vera III na lubos na nakalulungkot ang nangyaring karahasan sa loob pa mismo ng isang unibersidad.

Giit nito, walang puwang ang ganitong uri ng karaharasan lalo na sa isang higher education institution (HEI).

Ayon kay Chair Popoy, bilang chairperson din ng MSU Board of Regents, titiyakin nitong agad na marerepaso ang polisiya sa unibersidad nang masigurong mas madadagdagan ang
safety at security measures sa loob ng institusyon at nang hindi na maulit pa ang karumal-dumal na nangyari.

Aniya, makikipagtulungan ito sa pamunuan ng MSU para agad ding mabigyan ng counseling at suporta ang mga apektadong indibidwal partikular na ang mga staff, at estudyante ng unibersidad.

Kasunod nito, hinimok ni Chair Popoy ang board ng iba pang HEIs na maghigpit din sa kanilang security measures.

Nanawagan rin ito ng panalangin sa lahat para sa mga biktima, kahinang pamilya at sa buong MSU community sa kanilang pinagdaraanan ngayon.

“I call on the public to pray for the victims, their families, and the MSU community as the government authorities provide assistance and ensure security and protection for all.” | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us