Termino ni Gen. Acorda bilang PNP Chief, pinalawig ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy sa pagtatrabaho si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr matapos palawigin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang kaniyang termino.

Ito’y kahit pa kahapon ang kaniyang ika-56 na kaarawan na siyang mandatory retirement para sa mga nasa unipormadong hanay.

Sa katunayan, pinangunahan ni Acorda ang flag raising ceremony sa Kampo Crame ngayong umaga kaalinsabay ng Human Rights Consciousness Week.

Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat si Acorda sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Marcos Jr.

Kahapon, nagtungo si Acorda sa Mindanao para alamin ang ilang detalye hinggil sa pagpapasabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, pangungunahan ni Acorda ang isang Command Conference para naman sa assessment sa peace and order situation matapos ang insidente sa Marawi City kahapon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us