NCRPO, ipinagmalaki ang pagkakasabat sa mahigit P4-B halaga ng shabu sa isang Chinese sa Baguio City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Edgar Allan Okubo ang iba’t ibang yunit ng pulisya gayundin ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay kasunod ng pagkakasabat sa mahigit 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P4 na bilyong mula sa isang Chinese national sa isinagawang Search Warrant Operations sa Purok 4, Brgy. Irisan, Baguio City, kaninang umaga.

Ayon kay NCRPO Director, P/MGen. Okubo, naaresto sa isinagawang operasyon ang Chinese national na kinilalang si Ming Hui alyas Tan.

Sinabi ni Okubo, ang mga naturang iligal na droga ay binabalak na ipakalat ng suspek sa mga parokyano nito sa buong Luzon kaya’t agad silang nagkasa ng pagmamanman at operasyon, katuwang ang iba pang ahensya tulad ng PDEA para agad mapigilan.

Dagdag pa ng NCRPO Chief, dahil sa maigting na kampaniya ng Pulisya at ng PDEA sa Metro Manila, tinangka ng drug suspect na ilipat ang kaniyang operasyon sa Baguio City, subalit nabigo ito at nasukol pa rin ng mga awtoridad.

Nagpapasalamat din si Okubo kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong gayundin sa Baguio City Police Office at Police Regional Office Cordillera, para sa mabilis at maagap na ugnayan na nagresulta sa matagumpay na operasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us