Pormal nang i-turnover bukas sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang anim na fire trucks na kaloob ng Republic of China para sa Marawi City.
Ngayon pa lang, pinasalamatan na ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang China ang kabutihang-loob na magkaloob ng mga fire truck.
Malaki aniya ang maitutulong nito upang mapabilis ang patuloy na recovery at rehabilitation efforts ng lungsod ng Marawi.
Sa panig ng BFP, sinabi ni Director Louie Puracan, sasailalim sa training at capacity building programs ang firefigthing units ng Marawi City.
Matatandaan na nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga mahahalagang imprastraktura sa lungsod ng mangyari noon ang 2017 Marawi Siege.
Kabilang ang Marawi City Fire Station ang nadurog at apat na fire trucks ang nasira dahil sa matinding labanan na tumagal ng halos limang buwan.
Ang kakulangan ng firefighting capability sa lungsod ang nagdulot ng kabiguan na makatugon sa mga fire incidents na tumupok ng milyon-milyong halaga ng istraktura at ari-arian.| ulat ni Rey Ferrer