Mga senador, magkakaroon ng executive session kasama ang security sector tungkol sa bombing incident sa MSU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaroon ng executive session ang mga senador kasama ang security cluster ng pamahalaan tungkol sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) nitong linggo.

Sa sesyon kahapon, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na iimbitahan nila sa Miyerkules ang Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Security Agency (NSA), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) para ma-brief ang mga senador tungkol sa nangyari.

Samantala, nanawagan si Zubiri sa sambayanang Pilipino na huwag matakot sa naturang insidente.

Dapat aniyang ipagpatuloy lang natin ang ating pang-araw-araw na gawain at ipakita sa mga may gawa nito na hindi tayo natatakot at titindig tayo laban sa karahasan.

Una na ring umapela si Zubrii sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government na tulungan ang administrasyon na mahanap ang mga nasa likod ng bombing incident na ikinasawi ng ilang indibidwal.

Giit ni Zubiri, kung mga dayuhan ang nasa likod nito ay dapat gamitin ang buong pwersa ng Bureau of Immigration (BI) at lahat ng assets at intelligence ng bansa para mapanagot ang mga may-sala. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us