Humigit kumulang 40,000 Pulis, ipakakalat para sa papalapit na Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula sa Disyembre 15, itataas na ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status bilang paghahanda sa papalapit na Pasko kasabay ng tradisyunal na simbang gabi.

Sa katunayan, mag-iikot ngayong hapon si PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. sa ilang vital installations sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko.

Partikular sa mga iikutin ng PNP Chief ay ang Gateway mall at istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Cubao, Quezon City gayundin ang Basilica ng Poong Itim na Nazareno o ang Quiapo Church sa Maynila.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, humigit kumulang 40,000 Pulis ang kanilang ipakakalat sa buong bansa.

Bukod pa ito sa mga contingent mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, MMDA, at mga lokal na pamahalaan na magsisilbi namang force multipliers.

Una nang nakataas ang heightened alert status sa National Capital Region (NCR) bilang pag-iingat na rin matapos ang insidente ng pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City sa Mindanao.

Maliban sa mga Pulis, sinabi ni Fajardo na nakakalat na rin ang kanilang Police Service Dogs sa areas of convergence bilang bahagi ng seguridad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us