MMDA at Cybercrime Investigation and Coordinating Center, lumagda sa kasunduan upang paigtingin ang kooperasyon sa cybersecurity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa isang Memorandum of Agreement.

Layon nitong paigtingin ang pagtutulungan ng dalawang ahensya sa usapin ng cybersecurity.

Nauna rito ay humingi ng technical assistance ang MMDA sa CICC para sa information and communications technology, security cybercrime resilience, at data protection assessments sa mga kritikal na information structure ng ahensya.

Binigyang diin naman ni MMDA Acting Chairperson Romando Artes ang kahalagahan ng cybercrime resilience, matapos ang nangyaring insidente ng hacking sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Ani Artes, mahalaga ang cyber protection sa MMDA dahil ito ay humahawak ng mga datos gaya ng mga apprehension at video footage ng mga pangunahing lansangan sa Metro Manila sa tulong ng mga CCTV.

Kaugnay nito ay makikipagtulungan din ang MMDA sa iba pang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor, upang mapalakas ang cybersecurity, anti-cybercrime planning, at policy formulation ng ahensya. | ulat ni Diane Lear

Photos: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us