Paglikha ng National Transportation Safety Board, muling giniit ng isang senador matapos ang bus accident sa Antique

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ni Senadora Grace Poe ang pangangailan na magkaroon na ng National Transportation and Safety Board (NTSB) matapos ang aksidente ng Ceres bus sa Antique nitong Martes ng hapn na ikinasawi ng nasa labing pitong katao.

Pinahayag ni ng chairperson ng Senate Committee on Public Services ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng naturang trahedya.

Pinunto ni Poe na kadalasang nangyayari ang aksidente sa lansangan sa mga pampasaherong bus dahil kahit na hindi roadworthy ang mga ito ay pinapayagan pa rin na bumiyahe sa mga highway.

Maging ang mga driver aniya ay pinapayagan ding magmaneho kahit walang sapat na pagsasanay sa pagmamaneho.

Dahil dito, muling iginiit ng senadora ang pagpasa ng panukalang batas na lilikha sa NTSB na magiging responsable sa mga isasagawang imbestigasyon sa mga aksidente sa transportasyon sa lansangan, sa paliparan at karagatan, kabilang na sa mga railways system at pipeline system.

Sa naturang panukala, mahigpit na ipapatupad ang pag inspeksyon sa mga pampublikong mga sasakyan, drivers license at mga safety measures para maiwasan ang aksidente.

Nakasaad din na panukala na dapat tiyakin ng mga kaukulang ahensya na ang mga nakokolektang bayad mula sa vehicle registration at mga buwis ay mapupunta sa road safety measures tulad ng street lights, railings, at sign boards.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us