Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, nanguna sa ipinatawag na Regional Peace and Order Council sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ngayong araw ang Regional Peace and Order Council sa National Capital Region (NCR) sa Lungsod ng San Juan.

Ito ay para talakayin ang latag ng seguridad at sitwasyon ng Peace and Order sa buong Kalakhang Maynila bunsod ng nangyaring pagpapasabog naman sa Mindanao State University sa Marawi City.

Pinangunahan ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpupulong kasama si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Major General Jose Melencio Nartatez bilang vice chair ng konseho.

Dumalo rin sa pagpupulong si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon gayundin ang kinatawan ng 16 pang bayan at lungsod sa NCR, District Directors ng PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Nagbigay din ng ulat ang PDEA-NCR para sa illegal drugs campaign, BFP-NCR para sa fire safety, at Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ELCAC para sa kampanya kontra insurgency at violent extremism. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us