Sec. Abalos, nag-alok ng reward para sa mabilis na ikadakip sa mga pumatay sa barangay chairman sa Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-alok na ng pabuya na Php 500,000 si DILG Secretary Benhur Abalos sa sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga pumatay sa barangay chairman ng Pangasinan.

Nag-alok ng pabuya ang kalihim, matapos dumalaw sa burol ng pinaslang na si Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan Chairman Melinda “Tonet” Morillo,

Sinabi niya na walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang anumang uri ng karahasan tulad ng walang saysay na pagpatay sa barangay official.

Nanawagan siya sa mga Pangasinense na lumantad at makiisa para sa hustisya.

Pinapaalalahanan din ng kalihim ang iba pang barangay at local officials na agad i-report sa pulisya ang anumang concerns tungkol sa kanilang kaligtasan.

Kasabay ng kanyang pakikiramay sa pamilya, nangako si Abalos na gagawin ang lahat upang makamit ang hustisya para sa biktima.

Ang barangay official ay tinambangan habang sakay ng kanyang sasakyan nitong Huwebes. Galing ito sa barangay hall at pauwi na sa isa pa nilang bahay sa Barangay Tebag nang mangyari ang insidente.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us