147 nursing scholar ng DOH, pumasa sa naganap na nursing board exam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng kanyang pagbati si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Teddy” Herbosa sa 147 na mga nursing scholar ng kagawaran na matagumpay na pumasa sa kamakailang pagsusulit sa nursing board exam.

Sa mensahe rin ni Sec. Herbosa, pinasalamatan din nito ang Carl Balita Review Center sa pagbibigay ng mga scholarship sa mga iskolar ng DOH, kung saan 82% ng mga iskolar nito ay rehistradong mga nars na ngayon.

Ilan sa mga sinasabing nakapasa sa nursing board exams ay mga retakers pero hindi sumuko at muling kumuha ng pagsusulit.

Ipinangako naman ni Herbosa ang patuloy na public-private partnership para ma-address ang nursing crisis para sa pagpapabuti ng health care system sa bansa.

Ibinahagi rin ng Health Department Chief ang naging mahalagang papel naman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pagpopondo at suporta sa proyektong ito na nagpapakita ng commitment ng grupo sa pagsugpo sa kakulangan ng nars.

Inaanyayahan naman ni PCCI Committee Chair Bing Limjoco ang mga aspiring RN’s mula sa pamahalaan at private hospitals na sumali sa susunod na batch ng kanilang mga scholars para sa paparating na May 2024 Nurses Licensure Examination.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us