Pag-amyenda sa mga ‘restrictive’ economic provisions ng Saligang Batas sa pamamagitan ng ‘People’s Initiative,’ sinusulong ni House Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni House Speaker Martin Romualdez ang pag-amyenda sa mga ‘restrictive’ economic provisions ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sa ginanap na Philippine Economic Briefing nitong Lunes sa lungsod ng Iloilo, inanunsyo ng House Speaker na nakatakda nilang pag-usapan ng mga party leaders kung paano maresolba ang ‘procedural problems’ sa pag-amyenda ng Constitution.

“I will actually be pre-empting our all-party leaders’ caucus this afternoon and sharing it with you here in Iloilo. We are thinking of addressing the procedural gap or question as to how we amend the Constitution,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay House Speaker, may tatlong paraan sa pag-amyenda ng Saligang Batas at isa rito ay ang People’s Initiative.

Sa ilalim ng People’s Initiative, ang pag-amyenda ay sa pamamagitan ng isang petition na kumakatawan sa at least 12% ng kabuuang numero ng mga registered voters kung saan bawat legislative district ay dapat nirerepresenta ng at least 3% ng kanilang registered voters.

Dagdag pa niya, kailangan nang amyendahan ang Saligang Batas partikular ang mga ‘prohibitive’ na mga economic restrictions upang makapasok ang dagdag na mga investments at mapalago pa ang ekonomiya sa bansa.

Pinangunahan ng House Speaker ang last leg ng Philippine Economic Briefing sa Iloilo, kung saan inilahad rin niya ang mga legislative priorities para sa 2024 ng Kongreso partikular ang infrastructure development, educational system, health and social services, business and investment climate, at agriculture at food security.| via Emme Santiagudo| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us